Tatay kinatay ng may sayad na anak

PINATAY sa taga ng isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip ang kanyang sariling ama sa Zamboanga City, kahapon ng umaga (Oktubre 29), ayon sa naantalang ulat ng pulisya ngayon.

Napatay din ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si Jusalim Ajihil, 35, binata at residente ng Tumitus islands sa Barangay Limaong, Zamboanga City.

Bukod sa tinamong taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan, halos matanggal din ang ulo ni Dammang Ajihil na pinutulan din ng dalawang braso at paa ng kanyang anak. Kritikal naman sa pagamutan ang misis nitong si Umura Ajihil, 48-anyos..

Naganap ang insidente dakong 7:00 nitong nakaraang Lunes ng umaga sa mismong bahay ng pamilya Ajihil sa isla ng Tumitus, sa Brgy. Limaong, Zambonga City.

Ayon kay Senior Inspector Joel Tutuh, hepe ng Zamboanga City police station 1, bago ang insidente ay nagkakape ang mag-asawa nang biglang pumasok ang suspek at pinagtataga ang kanyang mga magulang.

Matapos naman aniyang pagtatagain ni Jusalim ang kanyang mga magulang, pinagputul-putol naman nito ang kanyang mga daliri.

Rumesponde naman ang mga opisyal at tanod ng barangay sa bahay ng pamilya Ajihil subalit hinagisan sila ni Jusalim ng itak at isa sa mga tanod na nakilalang si Muktar Hassan ang nasugatan sa kamay.

Sinubukan din na pumasok sa bahay ng mga Ajihil ang ilang opisyal ng barangay para kumbinsihin ang suspek na sumuko ngunit tinangka din silang tagain nito.

Sinabi ni Tutuh na ilang oras din nilang pinakalma ang suspek para sumuko subalit makalipas ang ilang oras ay lumabas ito ng bahay at sinugod ng taga ang isa sa mga pulis na si SPO1 Mondarte. Dahil dito, pinagbabaril na rin ng mga pulis ang suspek.

Nabatid na may diperensiya sa pag-iisip ang suspek at mas lalo pang lumala ang sakit nito nang malulong sa droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply