Tatlong partylist rep nagpa-drug test sa PDEA

MALAYO pa man ang halalan ay nauna nang nagsadya sa Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong partylist representatives at sumailalim sa drug test  bilang pagtalima sa alituntunin ng Commission on Elections o Comelec .

Kaninang umaga ay nagtungo sa Laboratory Services Department ng PDEA sina Agham Party list Rep. Angelo Palmones ; A Teacher Party list Rep. Julieta Cortuna at Ako Bicol Party List Rep. Pido Garbin at nagsumite ng kanilang specimen bago sinuri ng mga laboratory technicians doon .

Ilang  minuto lamang ang itinagal ng proseso  at matapos ang halos ilang minuto rin ay nag-negatibo naman ang lumabas na resulta sa drug test ng tatlong tatakbong kongresista.

Nanguna ang tatlong kandidato sa mahigit daang party list representatives at mga kongresista na sumalang agad sa drug test ilang buwan bago mag eleksiyon sa taong 2013.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply