Tauhan ng mayor binoga, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang tauhan ng alkalde makaraang pagbabarilin ng dalawang suspek sa General Santos City.

Sa kasalukuyan nilalapatan ng lunas sa General Santos City Hospital bunga ng tama ng bala sa dibdib ang biktimang si  Joseph Pedro, 49, may asawa, residente ng Balut Islan, Davao del Sur.

Ayon kay Sarangani Municipal Mayor Jerry Cawa, nagluluto sa kusina ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang suspek

Sa ngayon, dalawang suspek ang kanilang iniimbestigahan at ito’y nasa kamay na ng pulisya sa nasabing bayan na siyang itinuro ng mga testigo na may kinalaman sa pamamaril.

Ayon naman kay Pedro, wala siyang alam kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa kanya dahil wala din siyang natatandaan na kalaban maliban lang sa posibilidad na may kinalaman din sa kaso ng pag-ambush kay Mayor Cawa noong nakaraang buwan na isa ang sugatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply