Tax refund na hiling ng airline company, ibinasura ng SC

IDINEKLARA ng Korte Suprema na balido ang Revenue Regulations na ipinatupad ng Bureau of Internal Revenue sa tax deficiency ng Gulf Air.

Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, ibinasura ang petition for review ng Gulf Air kasabay ng pagkatig sa naging desisyon ng Court of Tax Appeals.

Iginiit ng SC, walang dahilan para baligtarin ang desisyon ng CTA dahil hindi napatunayan ng Gulf Air Company na may karapatan sila o entitled sa tax refund.

Sa record, umaabot sa P32-M ang utang na buwis ng Gulf Air sa gobyerno para sa taong 2000.

Naniniwala ang mataas na hukuman na walang pagkakamali ang CTA sa naging desisyon dahil sila ang may eksklusibong kapangyarihan at expertise sa taxation.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply