Taxi driver hinoldap, pinaghubad ng 2 bagets

HINOLDAP na, pinaghubad pa ng damit ang isang taxi driver ng dalawang bagets sa Malabon City, kagabi (Oktubre 4).

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, naisakay ng driver na si Christian Sy, 32 ng Tugatog ng lungsod ang mga suspek na edad 16 at 17 ng Arkong Bato, Valenzuela City at Panghulo, Malabon City. Pagsapit sa Don Basilio St., Dampalit ng lungsod ay naglabas ng baril at patalim ang mga suspek at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek P6,000 kinita sa pasada ng biktima at bago tumakas ay pinaghubad pa ang huli.

Nang wala na ang mga suspek ay nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga bagets.

Isang libong piso na lamang ang nabawi sa mga suspek na dinala na sa Department of Social Welfare and Development.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply