Taxi driver hinoldap ng 2 pasahero

ISANG taxi driver ang hinoldap at natangay ang buong kita nito  ng dalawang holdaper na pasahero kaninang madaling araw October 16,  sa Road 10 Northbay Boulevard North, Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Ronald Sauye y Tanan, 38, may asawa, taxi driver at residente  ng 220 L. Garcia St., Punta, Sta Ana, Manila.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek tangay ang wallet ng una na naglalaman ng P2600 at ang driver license nito sakay sa isang nag aantay na lalaki driver motorsiklo na kanilang sinakyang sa pagtakas.

Base sa imbestigasyon ni P03 Edwin Guzman, Station Investigation ng Navotas police, dakaong alas 4:15 kaninang madaling araw ng maganap ang pangholdap sa nasabing lugar.

Nabatid, sumakay ang dalawang suspek sa minamanehong taxi ng biktima na may plakang  UVA-899 mula sa Mandaluyong City at nagpahatid sa Navotas at pagsapit sa nasabing lugar, agad nagbunot ng baril sabay deklarang holdap.

Mabilis na bumaba ang dalawang suspek sa taxi at agad sumakay sa isang motorsiklo na kasabwat ang driver nito na ginamit sa pagtakas.

Nagsasagawa ng follow –up operation ang mga awtoridad sa para sa agarang ikalulutas ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply