Taxi operators handa sa pag-aalis ng Auto LPG

NAKAHANDA anumang oras ang samahan ng mga taxi operators sakaling ipatupad ang pag-phase-out sa mga Auto-LPG.

Ang kahandaan ay mariing ipinahayag ni Leonora Naval, pangulo ng Association of Taxi Operators of Metro Manila (ATOMM) sa harap ng mga
naglabasang reklamo ng ilang mga taxi drivers na nagkakasakit sila dahil sa Auto-LPG.

Bagama’t masama ang kanilang loob dahil mistulang sila pa ngayon ang nasisisi, wala naman na silang magagawa kundi ipatupad ito.

Matatandaang umalma ang grupo ng mga taxi operator sa resulta ng pag-aaral ng Department of Health (DoH) at ng National Poison Management and Control Center na masama sa kalusugan ng drayber at pasahero ang matagal na exposure sa Auto-LPG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply