Team Suzuki Pilipinas sa Asia Road Racing Championship

MULING nagsama-sama at nagtagisan ng galing ang magagaling na mga motorcycle riders sa buong Asya sa katatapos lang na 2012 Round 5 ng Petronas Asia Road Racing Championship na ginanap noong Oktubre 12 hanggang 14, 2012 sa Penbay International Circuit, Taiwan.

Nakilahok ang magagaling na racer mula sa bansang Japan, Thailand, Malaysia, Indonesia, China, Pilipinas at iba pang mga bansa. Para sa Round 5 nagkaroon ng tatlong kategorya sa weekend race. Ito ang Supersports 600cc, Underbone 115cc at Asia Dream Cup.

Hindi nagpapahuli ang mga Pinoy sa paglahok at pagpapakita ng galing pagdating sa 2 wheel motorsports. Pinangungunahan ito ng Team Suzuki Pilipinas, na may pahintulot ng Philippine Sports Commission bilang isang “national team”, ang nag-iisang Filipino racing team na nagtataas ng ating bandila sa larangan ng international motorcycle racing.

Mula sa 23 competitors, pasok sa 17th place ng qualifying round ang Team Suzuki Pilipinas sa pangunguna ni Tadahito “Dashi” Watanabe para sa Supersports 600cc category. Out of 37 competitors naman, nakapasok ang Team Suzuki Pilipinas sa Overall Championship Standings sa 24th place.

Nanalo naman ang bansang Japan sa Supersports 600cc sa pangunguna ni Ryuichi Kiyonari. Wagi naman sa Underbone 115cc category si Hadi Wijaya ng Indonesia at Hikari Okubo ng Japan para sa Asia Dream Cup Category.

Hindi man natin nasungkit ang tagumpay, malaking karangalan na para sa ating bansa ang makasali at makilala sa mga international races gaya ng ARRC at sa pamamagitan na rin ng mga motorcycle company sa Pinas, gaya ng Suzuki Philippines na patuloy na binubuhay ang motorsports industry sa bansa sa pamamagitan ng pagsali sa mga international races. Mabuhay ang Team Suzuki Pilipinas!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply