Temperature sa Baguio, bumulusok sa 13.2 degrees Celsius

BUMULUSOK sa 13.2 degrees Celsius ang temperatura sa Lungsod ng Baguio at mga karatig-bayan, naitalang pinakamalamig ngayong buwan.

Ayon sa pinakahuling ulat  mula sa Philippine Astronomical, Geophysical and Atmospheric Administration (Pagasa), patuloy pa itong bababa hanggang sa Pasko dahil sa nararanasang northeast monsoon o hanging Amihan.

Asahan nang magiging mas maginaw  sa iba pang mga bayan ng Benguet dahil sa mas mataas na lokasyon ng mga ito.

Dahil dito, inaasahan ding daragsa ang mga turista  sa city of pines ngayong Pasko upang maranasan ang mas malamig na klima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply