Tenorio umatake ulit

KINAPOS sa tunggaan ang Rain or Shine Elasto Painters ng malasing laban sa Barangay Ginebra Gin Kings, 94-98 sa PBA Philippine Cup eliminations na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Dikdikan ang naging labanan sa buong game at sa bandang huli ay muling naging instrumento si LA Tenerio upang manaig ang Gin Kings.

Isang 5-0 run sa stretch ang ginawa ng Ginebra, apat kay Tenorio upang ilista ang 2-0 win-loss card at masolo ang tuktok ng team standings.

Pinakamalaking nilamang ng Elasto Painters sa Gin Kings ay anim na puntos, 20-14 may 5:20 sa first canto.

Umabot naman sa pitong puntos ang biggest lead ng Ginebra sa RoS, 77-70 may 10:11 sa fourth quarter.

Wala ng isang minuto ang natitira sa laban ng kunin muli ng Elasto Painters ang lamang, 94-93 mula sa tira ni Gabe Norwood.

Nagawan agad ng paraan ang MVP ng Smart Gilas noong magkampeon sila sa Jones Cup na si Tenorio nang isalpak nito ang 2-pointer upang bumalik agad sa Ginebra ang abante, 95-94 may 37.9 na lang ang nalalabing oras.

Sa sumunod na possesion, sumablay si Norwood at nawalan na ito ng diskarte kaya na-foul nito si Tenorio at pumuwesto ito sa free throw line.

Pasok pareho ang tira ni Tenorio kaya naging tatlo ang abante ng Kings, 97-94 at saka sinelyohan ni Mark “The Spark”Caguioa ang laban matapos ang split free throws nito.

Si Caguioa ang namuno sa opensa na may 22 points habang sinegundahan siya ni Tenorio na nakagawa ng 20 pts.

Samantala, nakatikim din ng panalo ang Air21 Express ng talunin nila ang Global Port Batang Pier, 88-81 sa unang sultada.

Bokya sa panalo sa 14 na laro sa nakaraang Philippine Cup ang Express at sa unang laro nila sa 38 season ay natalo agad sila kontra Barako Bull Energy Cola, 87-90.

May 1-1 karta na ang Air21 habang 0-2 naman ang Batang Pier.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply