Thai drug mule, timbog sa airport

ISANG babaing Thai national na hinihinalang ‘drug mule’ ang nahulihan ng mahigit tatlo kilo ng shabu sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling si Ms. Khamsa Napaporn, thai national , may passport # L835551.

Nakuha sa pag-iingat ni Napaporn ang may 3.1 kilos ng shabu na nakalagay sa loob ng isang bagahe nito matapos lumapag sa NAIA airport sakay ng Emirates Air Flight # EK332 galing Thailand.

Malaki ang hinala ng PDEA na ang nasabing dayuhan ay isang drug mule ng malaking sindikato ng droga na nakabase sa kanilang bansa at tangkang ipuslit papasok ng Pilipinas .

Patuloy pa ang isinasagawang interogasyon ng mga awtoridad upang alamin kung saan idedeliver ng suspek ang mga makuhang shabu sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply