‘The Beast’ sasabak na sa PBA

MAKIKILATIS na kung uubra ang bangis ni rookie 2nd pick Calvin “The Beast” Abueva sa Philippine Basketball Association.

Dahil hindi umabot sa Finals ng NCAA ang San Sebastian College ay makakalaro na ito sa Alaska Aces matapos ang tatlong laro.

Magsusuot na ng jersey ng Alaska si Abueva bukas ng alas 5:15 ng hapon upang harapin ang ipinagmamalaki ng Petron Blaze Boosters na si rookie top pick JunMar “The Kraken” Fajardo.

Parehong tangan ng Aces at Boosters ang 1-2 win-loss card sa season 38 ng PBA Philippine Cup  kaya paniguradong maghihiwalay ang kanilang landas pagkatapos ng kanilang laro na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Sa second game, asahan naman na magdadagsa ang mga fans dahil naka-schedule na maglaro ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings laban sa Barako Bull Energy Cola.

May 2-1 panalo-talo karta ang Gin Kings habang ang Energy Cola ay 1-2 ang baraha.

Samantala, nailista ng Globalport Batang Pier ang unang panalo matapos silatin ang Meralco Bolts, 105-104 kagabi sa SM Mall of Asia Arena.

Nagtulong sina two-time PBA MVP Willie Miller at rookie Jason Deutchman na kargahin ang opensa ng Batang Pier upang habulin ang 14-points lead ng Bolts, 80-94 may 7:38 pa ang nalalabing oras sa last quarter.

Dalawang dikit na tres ang kinana ni Deutchman upang agawin ang unahan 100-99 may 1:13 na lang sa orasan.

Tumapos si Miller ng 33 points habang 20 ang inambag ni Deutchman at 17 naman ang kay Rabeh Al-Hussaini.

Nagso-solo naman sa unahan ng team standings ang Talk ‘N Text Tropang Texters matapos nilang kaldagin ang Air21 Express, 96-89 sa second game.

Bitbit ng Tropang Texters ang 3-0 habang nalaglag sa 1-3 ang Express.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply