‘Thrilla in Manila’ sasariwain

ISA sa pinakamatinding Heavyweight bouts ang Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap noong Setyembre 30, 1975 (Oktubre 1 sa Manila) sa Araneta Coliseum.

Kaya sasariwain bukas ng ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11 ang Thrilla in Manila ang ikatlo at huling sapakan nina boxing greats Ali at Frazier para sa Heavyweight Boxing Championship of the World.

Umabot ng 14 rounds ang walang humpay na basagan ng mukha ng dalawang magigiting na boksingero sa buong mundo kung saan ay si Ali ang nagwagi via TKO.

Pinahinto ng trainer ni Frazier na si Eddie Futch ang laban ng makitang basag na basag na ang mukha at iisang mata na lang nakadilat sa kanyang alaga.

Halos wala na ring lakas at lantang gulay na rin kung kumilos si Ali pagkatapos ng laban dahil sa ipinakitang tapang ng kanyang katunggali.

Taong 1971 ng March 8 unang nagharap sina Ali at Frazier at tinawag itong “Fight of the century” kung saan ay nanalo ang huli.

Enero 28, 1974 naman ang unang rematch ng dalawa na pinagwagian ni Ali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply