Tig-P2M pabuya sa ‘big 5 fugitives’ ibibigay ng DOJ

HINIKAYAT ng Department of Justice (DOJ) ang publiko na tumulong sa pagdakip sa mga itinuturing na “big 5 fugitives”.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na mayroon nang tig-P2 milyon reward money para sa ikadarakip nina Retired General Jovito Palparan, dating Rep. Ruben Ecleo, Globe Asiatique President Delfin Lee at sa magkapatid na sina Joel at Mario Reyes.

Pinag-aaralan pa ng kalihim kung tataasan ang reward money laban sa mga nabanggit.

Plano rin ng pamahalaan na magpakalat ng poster na mayroong larawan ng lima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply