Tingi-tingi ng Comelec, magkano nga ba?

SUPORTADO natin ang ginagawa ng Commission on Elections (Co-melec) sa paglilinis para itama ang partylist system sa ating Kongreso. Noong una pa man ay nagsabi na tayo na dapat lang para maituwid ang matagal nang minali ng mga angkan at kaalyado ng mga politiko na kumukulimbat sa ating pera sa paraang pork barrel at mga gastusing maluho ng mga ito.

KAYA naman nang simulan ng Comelec ang paglilinis, isinigaw natin ang ating pagsuporta sa kanila sa ating programa sa radyo, BA-LETODO na umeere sa DWBL 1242 Khz AM, alas 8 – 9 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Ang Partylist ay inilaan ng Saligang Batas para sa mahihirap na sektor ng lipunan ngunit binaboy ito ng mga mapagsamantalang politiko para makopo ang kapangyarihan sa pulitika.

NAKASUSUKA ang Kongreso sapagkat karamihan sa kanila ay abogado pa mandin.

Malinaw ang utos ng Saligang Batas sa partylist ngunit sila mismo ang tumanggap at

bumaboy sa tunay na linya ng Kamara. Lantad din naman na ka-ramihan sa mga naupo bilang rep-resentante ay kamag-anak mismo ng mga politiko. Mayroon din namang mga grupo na tila iniilagan ng gobyerno kaya hinayaan na lang na tumakbo. Hayun, nang maupo, inangkin na lahat ang sektor mula matanda, bata, babae, iskuwater, driver, magsasaka, manggagawa, konsyumer, inutil, bobo, drug addict at lahat-lahat na.

UNGGUYAN NA!

PERO natuwa tayo sa ginawa ni Comelec chair Sixto Brillantes. Tinotoo niya ang kanyang adhika na linisin ang Comelec, kasama ang paglilinis ng partylist. Sana nga lang, isinama niya ang paglilinis sa kanyang mga tauhan lalo na ‘yung pumuputok na mga miyembro ng sindikato. Isa pa, kakutsaba ang ilang kamag-anak naman ng mga opisyal
ng Comelec na kumokontrata rin sa mga gustong manalo!

LAMANG, bakit tila isa-isa ang pangalan ng partylist na inaalis? Bakit hindi nila gawin na sabay-sabay para isang buhos na lang? Para silang sari-sari store sa ka-nilang ginagawa at nakadududa na ang sistema ng pagtanggal sa mga hindi karapatdapat, bogus at madayang partylist group. Kumbaga, tingi-tingi ang ginagawa kaya hindi maialis ang ating nabubuong duda sa paraan ng pag-lilinis ng listahan.

MAY nagbulong sa BALETO-DO na sinasadya ang tingi-tinging pag-alis bilang paraan ng pag-timbre sa maraming grupo at, yes na yes, mag-uunahan sa pila para maareglo nang maaga ang kanilang grupo at hindi alisin.

Sabi nga ng daldalerong taga Comelec, pampataas presyo daw ang ginagawa ng mga boss nila ngayon. Totoo ba ito Mr. Brillantes at mga Komisyoner?

KASI ba naman, sa rehistrasyon pa lang ay bunyag na ang P3-P5 milyon para lang maisama sa opisyal na listahan tapos, may nagsabi din na mga pulitiko (2010) na ang bayaran para tiyak na kasama sa mga panalo ay mula P7 – P10 milyon. May kilala akong mga naisama kahit huli na “nagbigay” nga ng ganoong halaga para makahabol sa pag-upo. Tama sila, mababawi nila sa pork barrel, suweldo at nagpapayaman na representation expenses. Yung 3 kilala ko sa party list, nakabili ng mamahaling sasakyan na “SUV”.

MAGPAKATOTOO sana kayo sa Comelec.Huwag na ninyong itingi ang pag-alis sa mga peke, huwad, bogus at hindi dapat na mga party list. Isang bagsak na lang kaysa mapaghinalaan pa kayo na namemera lang. Sa sandaling ganyan pa rin kayo, walang duda, malaki nga ang iyayaman pa ninyo!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply