Tips sa Undas inilatag ng NCRPO

CAMP BAGONG DIWA, Taguig City – Nagpalabas na ng seasonal advisory ang National Capital Region Police Office kaugnay ng nalalapit na paggunita sa Araw ng mga Patay upang gabayan ang mga mamamayan sa mga dapat nitong malaman at gawin.

Hinimok ng pamunuan ng NCRPO ang mga mamamayan na iwasan magsuot ng mga mamahaling alahas o pagdadala ng malaking halaga ng babauning salapi sa pagbibiyahe, huwag hayaang nakabukas ang inyong bitbit na bag, at iwasan din ang pagdadala ng mabibigat na bagahe.

Idinagdag pa ng NCRPO na maging alerto sa inyong kapaligiran, huwag hahayaang walang bantay ang inyong pamamahay, mag-ingat sa mga akyat-bahay, mandurukot, salisi gang, laglag barya at iba pang kauri nito.

Pinayuhan rin ang publiko na magdala ng sapat na pagkain at tubig inumin.

Nagpaalala naman na bawal ang pagdadala ng anomang bagay na nakalalasing, mga gamit sa pagsusugal at mga bagay na nakamamatay tulad ng patalim at baril sa loob ng sementeryo.

Payo pa ng NCRPO, na huwag hahayaang malayo sa inyong paningin ang inyong mga kasamang bata at mga dalang gamit. Alamin din ang kinaroroonan ng Police Assistance Booth at First Aid Station.

Maaari ring makipag-ugnayan o tumawag sa “Isumbong mo kay Tsip” (09178475757) at sa “Subukan Nyo Po Kami” (09158888181/09999018181) para sa iba pang katanungan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply