Tirada ni Cristine sa kanyang pamilya idinaan sa blind item

TILA nakatira na naman ng katol si Cristine Reyes at pinagdidiskitahan na namang muli ang kanyang pamilya. Kung noon ay nakasentro sa kanyang Ate Ara (Mina) ang kanyang walang prenong pagte-text ng kung anu-anong kababuyang mga salita, ngayon ay sa kanyang utol naman ito napipikon.

Akalain nyong sinabihan daw nitong si Cristine ang kanyang kapatid na mag-pakufing na lang sa bading para magkapera, tutal naman daw malaki ang ‘hinaharap’ nito. Giatay!

Hindi pa nakuntento ito, sa kanyang Facebook account ay idinaan sa blind item ang kanyang mga pasaring sa kanyang pamilya. Sobrang pagod na raw ito sa mga paghihingi o kaya’y pangungutang nang walang bayaran sa kanya ang kanyang mga kadugo.

Kapag hindi na raw niya kinaya ay lalayas na lang siya ng Pilipinas at makikitira sa kanyang friend sa ibang bansa. Mabuti pa nga siguro para mabawasan naman sa ating bayan ang mga taong ayaw magpakatao!

***

BB bawal sa maaksyong pelikula ni Binoe

HINDI naman daw nagsisintir si BB Gandanghari sa hindi nito pagkakasama sa pelikulang Koratong Baleleng na pagbibidahan ng kanyang mga kapatid na sina Robin Padilla at Rommel Padilla.

Aniya, “siguro wala talagang role para sa akin doon sa pelikula.

Hindi naman na natin kailangan gawan ng isyu ‘yan.”

Ang isyu rito, masyadong nagpakabading si Rustom, este si Bb, kaya nahihirapan si Binoe kung anong klaseng role ang puwedeng ibigay sa kanya kapag gagawa ito ng maaksiyong pelikula.

Hindi na raw bagay kay Bb ang humawak ng baril at sumuntok. Mas bagay na sa kanya ang humahawak ng talong…para magluto. Hehehe!

***

Wild comedy movie event nina Toni, Luis at Vice, ipalalabas na

IPALALABAS na ngayon sa mga sinehan nationwide ang pinakamaagang Christmas treat mula sa Star Cinema, ang “This Guy’s In Love With You, Mare,” na pinagbibidahan ng comedy box-office trio ng Philippine cinema–box-office queen Toni Gonzaga, box-office Comedy leading man Luis Manzano at ang unkabogable box-office goddess na si Vice Ganda.

Sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas, ang naturang pelikla ay isang kakaibang love triangle story ng isang babae, isang lalaki at ng isang nagpapakalalaki.

Ayon kay Luis, pinaghalong simple at komplikado ang tema ng kanilang pelikula na tiyak kaaaliwan ng lahat. “Yung character ko dito na si Mike, nagkataon na involved in colourful relationships. Minahal niya si Lester (Vice) at nagkataong nahulog din ang loob niya kay Gemma (Toni),” ani Luis. “Our movie is about love, truthfulness, and different kinds of relationships.”

Proud naman si Toni sa kanilang first team-up nina Luis, Vice, at Direk Wenn. “Pinapangako po namin sa inyo na this is worth every centavo of your money. Bibigyan namin kayo ng isa’t kalahating oras ng kasiyahan na makakalimutan ninyo pansamantala ang lahat ng mga problema ninyo,” pahayag ni Toni.

Bagama’t hitik sa kalokohan at katatawanan, tiniyak ni Vice na may aral na hatid sa moviegoers ang “This Guy’s In Love With You, Mare.” Aniya, “Itong pelikula namin todo talaga sa patawa, todong laugh trip, at todong good vibes. Pero eventually meron itong mai-impart na importanteng lesson sa audience.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply