Tirador pedestrians sa QC flyover, utas sa parak

TUMIMBUWANG sa kalsada ang isang hinihinalang holdaper ng mga dumadaan sa flyover nang kumasa sa mga sumitang pulis sa Quezon City kaninang madaling araw.

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Michael Garcia, 23-25 anyos at walang permanenteng tirahan.

Naganap ang insidente dakong alas 12 :15 ng madaling araw sa ilalim ng Luzon flyover sa Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth.

Ayon kay Quezon City Police District Station 3 Supt. Michael Macapagal, bago ito ay napansin ng kanyang mga tauhan ang kahina-hinalang kilos ng suspek na nasa ilalim ng Luzon flyover.

Tawag ng tungkulin, sinita ng mga pulis ang suspek pero imbes lumapit para magpaliwanag ay pinaputukan sila.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan agad ang suspect.

Narekober sa lugar ang baril na ginamit ng suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply