Titser tangkang halayin, mag-ama arestado

KULONG ang isang mag-ama matapos pasukin, nakawan, igapos at tangkang halayin ang isang guro sa Caloocan City kaninang madaling araw, Oktubre 22.

Kinilala ang mga nadakip na sina Joel Lito Velasquez, 25 at tatay na si Enrelito Sr., 53 habang pinaghahanap sina Enrelito Jr., at isang alyas Ai-Ai, pawang residente ng Libis Baesa, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng madaling araw, pinasok ng mga suspek si Arlene Sabariza, 35, teacher ng Sampalukan  Elemetary School at residente ng Libis Orkana ng lungsod bago iginapos.

Kinuha ng mga suspek ang mga gamit, cellphone, laptop at mga alahas pati cash na P6,000.

Isa sa mga suspek ang nagtangkang manghalay sa biktima at nang huhubaran ng pang-ibabang saplot ang huli ay agad na nagsisigaw na nakatawag ng pansin sa kapitbahay.

Humingi ng tulong sa barangay tanod ang kapitbahay na naging dahilan upang madakip ang mag-ama habang nakatakas ang dalawang kasama dala ang mga nakulimbat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply