Tiu makakaharap agad si Fajardo

NAGPAKITANG-GILAS ang rookies ng Barangay Ginebra Gin Kings noong Linggo na sina Keith Jensen at Chris Ellis.

Tumipa sina Jensen at Ellis 13 at 12 upang tulungan ang Gin Kings na ilista ang unang panalo kontra Global Port Batang Pier sa opening day.

Bukas ng gabi sina rookies Junmar Fajardo at Chris Tiu naman ang magpapakitang gilas upang tulungan ang kanilang koponan na itarak ang unang panalo.

Nakuha ng Petron Blaze Boosters si Fajardo habang si Tiu ay napunta sa Rain or Shine Elasto Painters.

Maugong ang pangalan ng higanteng si Fajardo ng mag anunsyo itong papasok na siya sa PBA.

Si Tiu naman ay matagal ng hinihintay ng kanyang mga fans na sumabak sa professional kaya ng mag sabi itong sasali sa draft pick ay naging topic na rin siya ng mga usap-usapan sa basketball.

Alas siete trenta ng gabi maggigirian ang Boosters at Elasto Painters pagkatapos ng laban ng Air21 Express at Barako Bull Energy Cola sa second day ng PBA season 38 na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum.

Samantala, sa ipinakitang laro ng Batang Pier ay napansin ng mga basketball analyst na kulang at nangangapa pa sila sistema kaya natambakan sila ng crowd favorite na Barangay Ginebra.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply