Toni Gonzaga totoong na-in-love sa isang macho gay?

OFF-CAMERA, pag ang showbiz press ang kaharap n’ya, hindi talaga kaya ni Vice Ganda na hindi maging malaswa, lalo na’t ang pakiramdam n’ya ay natutuwa sa mga mahalay niyang pahayag ang mga reporter.

Nung press conference noong Huwebes ng gabi sa ABS-CBN Dolphy Theater para sa pelikulang “This Guy’s In Love With You, Mare”, pabiro n’yang inalok ng sperm n’ya ang reporter na si Mercy  Lejarde dahil sa kung anong pahayag ng reporter na hindi naging malinaw sa amin.

Paulit-ulit n’yang sinabi ang “sperm” at mabuti na lang nga na English term ang ginamit n’ya.

Ikinuwento rin n’yang may eksena sila ni Luis Manzano sa pelikula na pinatungan siya ng anak ni Batangas Governor Vilma Santos na naka-brief lang kaya’t damang-dama n’ya ang “balls” nito sa kanyang katawan.

“Pero ‘di naman ako na-L kay Luis na gaya ng pagka-elya ko noon kay Derek (Ramsey) sa Praybeyt Benjamin. Conscious na conscious nga ako noon sa mga eksena namin kay Derek dahil nga L na L ako sa kanya.

“Hindi ako na-L kay Luis dahil siguro matagal ko na siyang kilala at matagal ko nang kaharutan,” pagkukumpara n’ya.

Nasa presscon din na yon si Luis at ang leading lady nila na si Toni Gonzaga at pareho namang ‘di nag-react sa mga kahalayang pahayag ni Vice, pati na nung sabihin nitong hindi naman siya naasiwa sa kissing scene nila ni Toni dahil na-realize n’yang pareho lang naman silang “bumabaho ang mga bagang”.

Sa istorya kasi ng This Guy’s In Love With You, Mare, una munang magiging lovers sina Vice at Luis, pero magpapalit ng relihiyon si Luis kaya’t iiwanan n’ya ang lover n’yang bading.

Eventually, magiging girlfriend ni Luis si Toni at mababalitaan ni Vice na seryosong-seryoso na ang kanilang relasyon. Para ‘di sila magkatuluyan, magpapanggap si Vice na lalaki, at mapapaibig n’ya si Toni.

Siyempre pa, walang umamin sa tatlo kung mabubuko ni Toni na bading ang bago n’yang boyfriend at kung sino talaga ang magkakatuluyan sa istorya.

Kinulit nga pala si Toni ng press na ipagtapat kung sino yung naging manliligaw n’ya na later on ay nadiskubre n’yang bading pala, pero ni clue ay ayaw magbigay ni Toni. May deretsahang nagsabi na baka si Paolo Ballesteros yon, pero ‘di pa rin nag-comment si Toni.

Nagkasama yung dalawa sa Eat Bulaga nung nasa Kapuso Network pa si Toni.

May kissing and bed scene rin si Toni at Luis, at hindi naman daw ang conservative boyfriend n’yang si Paul Soriano ang inalala n’ya sa paggawa n’ya ng mga ganu’ng eksena kundi ang istriktang Mommy Pinty n’ya. “Pinangatwiran ko na lang sa nanay ko na nakipaghalikan ako at nakipag-bed scene sa pelikula dahil hindi na naman ako bata,” pagtatapat ng TV host-actress.

Si Wenn Deramas nga pala ang direktor ng latest movie na ito ni Vice. Si Direk raw mismo ang nag-alok kay Luis ng pelikula at agad daw itong tinanggap ng latest boyfriend ni Jennylyn Mercado kahit na ipinagtapat sa kanya ni Direk na may bed scene sila ni Vice.

“Naghubad nga agad si Luis sa harap ko pagkatanggap n’ya ng pelikula!” pahabol na biro ni Direk Wenn na hindi naman kinontra ni Luis.

Ngayong Oktubre ipalalabas ang This Guy’s in Love With You, Mare!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply