Toni nagpapasalamat sa first time experience

PROUD si Toni Gonzaga sa ‘first time’ niyang naranasan dahil sa “This Guy’s In Love With You, Mare.” Ayon sa aktres, “Natutuwa ako kasi first time kong ma-experience yung ganung outcome ng movie ever in my life. Syempre grateful kami sa sumuporta, nanood at naniwala sa pelikulang ito.”

Nagmarka naman kay Luis ang nasaksihan niyang husay ng mga kaibigan habang ginagawa ang kanilang kauna-unahang movie project. “Noong sinimulan namin ang ‘This Guy’s In Love With You, Mare,’ kaibigan lang ako nina Toni at Vice. But we ended this movie na naging fan ako nina Toni at Vice,” pahayag ng TV host-actor na saludo sa galing sa comedy ng dalawa sa kanyang closest friends sa showbiz.

Samantala, buong-buo namang inialay ni Vice sa Diyos ang pinakabago niyang box-office success. “Thank you talaga kay Lord. Alam ko kasing napunta ako sa mahusay na team kaya alam kong magiging maganda ang kalalabasan ng pelikula namin,” ani Vice. “Isa ito sa mga nagawa kong project na wala akong naramdamang stress kaya hindi nakapagtatakang mauulit ito.”

Huwag palampasin ang third blockbuster week ng nasabing pelikula na ipinalalabas pa rin sa mga sinehan nationwide. Matapos nito, ang sunod na ihahandog ng Star Cinema sa Filipino moviegoers worldwide ang pinakapinananabikang romantic-comedy film na pinagbibidahan ng Thai superstar na si Mario Maurer at Philippine sweetheart na si Erich Gonzales, ang “Suddenly It’s Magic.” Sa ilalim ng direksyon ni Rory B. Quintos, ang next project na ito ay mapanonood na sa mga sinehan sa buong bansa ngayong October 31 (Wednesday).

***

Gustong patunayan ng celebrity na minamahal niya ang asawa kahit syongit ito

MULING nagpakasal ang misis na celebrity at ang mister na businessman dahil sa pangungulit daw ng una. Kung tutuusin ay wala nang saysay ang kasal na ito dahil naikasal na sila last year. Pero talagang makulit umano si misis.

Ang dahilan, gustong patunayan daw ng girlita na hindi siya nagkamali ng lalaking pinakasalan. At gusto niyang ipaalam sa lahat, lalo na sa mga nag-aalipusta sa kanyang hindi kagwapuhang papa na minahal niya ito sa kabila ng kakulangan sa pagmumukha. Oo nga, kulang ito sa mukha pero daks naman daw. Hahaha!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply