Top NPA leader sa Southern Tagalog, 3 pa, tiklo sa QC

PINANINIWALAANG napilay na ang puwersa ng National People’s Army (NPA) sa Southern Tagalog sa pagkakaaresto ng kanilang pangunahing lider at tatlo pang kasamahan sa Quezon City nitong nakaraang Sabado lamang .

“This is considered yet another significant accomplishment of our troops in the 2ID. We are almost at the closing of curtain of CPP/NPA in Southern Tagalog. We are certain it would be soon,” pagmamalaking sinabi kaninang umaga (Oktubre 7) ni SOLCOM Commander Maj. General Alan Luga.

Sa isang press release ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Southern Luzon Command (SOLCOM), ang rebeldeng si Benjamin Mendoza ay nahuli ng pinagsanib na puwersang 2nd Infantry Division ng PA at ng Philippine National Police (PNP) dakong alas 12:15 nitong Sabado ng umaga habang naglalakad sa Aurora Blvd., area. Q.C.

Ikinokonsidera ng awtoridad si Mendoza, 61-anyos, na pinakamataas na lider ng NPA sa Southern Luzon. Bukod rito, siMendoza rin ang sekretarya ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) at miyembro rin ng Central Committeeng Communist Party of thre Philippines (CCP).

Dinakip si Mendoza kasama ang isang Josephine Mendoza na pinaniniwalaang asawa nito at dalawa pang hindi nakikilalang kalalakihan sa bisa ng 2 arrest warrants kabilang ang isang kaso ng rebelyon sa regional trial court sa Lucena City, Quezon.

Ayon sa PA, nagsimulang maging rebelde si Mendoza bilang miyembro muna ng isang youth organization sa Maynila bago sumanib sa CCP at maging isang full-time member sa Southern Tagalog region.

Sinasabi rin na si Mendoza ang napatunayan na nagkasa ng ilang bilang ng NPA operations na may pinakamataas na bilang ng kaswalidad noong 1991.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply