Toto Mangudadatu, naghain ng COC

NAGPASA na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu kasama ang kanyang running mate na si Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat.

Todo bantay naman ang puwersa ng militar at pulisya dahil na rin sa mahigpit na habilin ni Mangudadatu sa kanyang mga kapartido na gawing mapayapa at maayos ang kanilang paghahain ng CoC.

Ayaw na kasi ng gobernador na maulit ang nangyaring masaker noong Nobyembre 23, 2009 sa Sitio Masalay Brgy. Salman Ampatuan, Maguindanao kung saan 58 ang namatay kabilang na ang kanyang maybahay, mga kapatid, kamag-anak, kaibigan at 32 mga mamamahayag na maghahain sana noon ng kanyang COC sa provincial election office sa Sharif Aguak, Maguindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply