Totoy hinoldap ng 2 sa loob ng bahay

SOLICITATION letter ang ginamit ng dalawang hindi pa kilalang mga lalaki upang maholdap ang totoy at matangay ang cellphone at pera ng mga magulang nito sa Navotas.

Sa pahayag ng biktimang edad 13 ng M. Naval St., Sipac Almacen, alas-3 ng hapon nang dalawang hindi pa kilalang mga lalaki ang kumatok sa kanilang bahay at sinasabing kukunin ang solicitation letter na ibinigay ng mga una sa mga magulang ng totoy.

Nagbukas ng pintuan ang biktima at sinabing wala siyang alam kung saan biglang hinila ng mga suspek ang una sa
loob ng bahay.

Naghalughog ang mga suspek sa kuwarto ng mga magulang ng biktima bago kinuha ang Cherry Mobile phone sa kuwarto at cash na P11,000.

Matapos ang insidente ay tumakas na ang mga suspek kung saan pag-uwi ng mga magulang ng biktima ay agad na sinabi ang pangyayari ng totoy.

Sinamahan ng mga magulang ang biktima sa presinto para magreklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply