Totoy na naglayas, nagtangkang mangholdap

DINALA sa presinto ang isang totoy matapos magtangkang mangholdap sa isang computer shop upang makakuha ng pamasahe pauwi kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Ibinalik na sa mga magulang ang suspek na edad 15 ng Plaridel, Bulacan.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw, pinasok ng suspek ang computer shop sa 10th Avenue ng lungsod at tinutukan ang nagbabantay na si Marvin Tentociero ng dalawang patalim.

Humihingi ng P50 ang totoy upang ipamasahe pauwi subalit makalipas ang ilang sandali ay naupo na lang ang una at hindi na kinuha ang perang hinihingi.

Kusang loob naman sumama ang totoy sa presinto at makalipas ang ilang sandali ay dumating ang nanay na labis na nag-aalala.

Dahil hindi na nagreklamo ang biktima ay pinayagan ng mga pulis na maiuwi ang totoy sa pangako ng ina na babantayan at aalagaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply