Toyota Innova sumirko; 17 pasahero sugatan

UMAABOT sa 17 pasahero ang nasugatan makaraang bumaligtad ang isang sasakyan sa Ouano Avenue, Reclamation Area, Mandaue City, Cebu kagabi.

Nabatid na tinatahak ng driver ng Innova Toyota Townace na si Juvenile Sasaluya, 24, ng Barangay Looc, nasabing lungsod ang nasabing lugar nang  tamaan nito ang isang concrete island na siyang dahilan ng pagkabaligtad nito.

Kaagad na sinugod sa ospital ang mga biktima habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naturang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply