Toyoto caravan!

TOYOTA CARAVAN IS BACK! At ngayon nga ang tamang oras na bumili ng kahit anong Toyota Model simula October 5 hanggang October 12, 2012 sa 34th St. Cor. 9th Ave. (tabi ng Mercato at malapit sa Lexus Manila showroom) Bonifacio Global City, Taguig. At magkaroon ng chance na makakuha ng discounts hanggang P280,000.

Sa loob ng walong araw na event, magkakaroon din ng P5,000 discount ang mga walk in customer, kapag nagtest drive ka naman ng kahit anong Toyota Vehicle sa mismong event, magkakaroon ka ng P10,000 discount.

Hindi lang yan ang magandang offer ng Toyota, maaari mo ring ipalit ang iyong old Toyota vehicle at magkaroon ng chance na manalo up to P50,000. Makakakuha rin ng discount ang mga dati ng customer ng Toyota ng hanggang P25,000 kapag sila ay bumili ng brand new vehicle.

Maaari ka rin manalo ng P100,000 discount sa kanilang daily reservation raffle, kung ikaw naman ay magpapareserba ng Toyota vehicle sa araw ng Toyota caravan, magkakaroon ka rin ng raffle coupons upang mapanalunan ang isa sa sampung Toyota vehicle na kanilang ipamimigay, kasama na dyan ang limang Vios at limang Innova.

Naghanda rin ang Toyota ng mga exciting programs para sa kanilang mga customer kasama ang kanilang mga pamilya. Maaaring sumali sa Tamiya 86 Remote Control race car racing at manalo ng exclusive Toyota 86 premium items. Magkakaroon din ng iba pang palaro sa mga bata na siguradong mag-e-enjoy sila sa Caravan.

Kung ikaw naman ay Toyota fanatic at nasa labas ng Metro Manila, maaari mo pa ring ma-enjoy ang Toyota caravan sa pagbisita sa 15 provincial dealerships ng Toyota at makakuha ng hanggang P280,000 worth discount.

Sinabi naman ni TMP President Michinobu Sugata na ginawa nila ang TOYOTA CARAVAN upang pasalamatan ang mga Pilipino lalo na ang mga Toyota fanatic sa walang sawang suporta sa kanila. Kaya ano pa ang hinihintay nyo! Punta na sa Toyota Caravan!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply