Traffic enforcer huli sa pangongotong

KALABOSO ang isang dating traffic enforcer nang arestuhin ng mga nagrorondang pulis makaraang maaktuhan nila ang nauna na nangongotong sa hinuli nitong driver sa harap ng NAIA Terminal 3 sa Pasay City, kagabi (Oktubre 2).

Nakatawag pansin sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8 ang pagtatalo nina Virgilio Abenoja, 32, dating miyembro ng Pasay City Traffic Management and Parking Office at driver na si Joselito Alaba, 49 ng Quezon City sa kahabaan ng Andrew Avenue kaya’t nilapitan nila ang dalawa dakong alas-10 ng gabi.

Isinumbong ni Alaba si Abenoja sa mga pulis na umano’y humihingi sa kanya ng halagang P5,000 kapalit ng hindi pag-iisyu sa kanya ng tiket sa iginigiit na traffic violation na hindi naman niya ginawa.

Habang nagtatalo ang dalawa, lumapit ang isa pang traffic enforcer at sinabi sa mga pulis na matagal nang sinibak si Abenoja kaya’t wala na siyang karapatan na manghuli ng motorista.

Dahil dito’y kaagad na dinakip si Abenoja at dinala sa presinto kung saan nakumpiska sa kanya ang paso ng ID at citation ticket na ginagamit niya sa pangongotong sa mga hinuhuling motorista.

Kasong robbery, usurpation of authority at illegal use of uniform, rank and insignia ang isasampang kaso ng pulisya laban kay Abenoja.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply