Traffic enforcer nabundol ng bus, patay

TODAS ang isang traffic enforcer matapos mabagok ang ulo nang mabundol ng rumaragasang bus ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Edsa kanto ng Malvar St. Caloocan City, Martes ng madaling araw.

Dead on arrival sa MCU hospital si Arturo Tambulero, Jr., 52, may-asawa, kawani ng Reporm Department of Public Safety Management (RDPSM) ng Caloocan City Hall at residente ng Milagros St., Bagong Barrio Caloocan.

Arestado naman si Rolly Lozares, 32, may-asawa, driver ng bus (may plakang UVG-681) na may rutang National Highway Landayan San Pedro Laguna Edsa Caloocan.

Nabatid kay PSI Gaylord Padilla Tamayo, hepe ng Caloocan Traffic Unit, dakong 12:10 ng madaling araw, sakay ang biktima ng kanyang Honda motorcycle (may plakang 4088-PK) habang paliko sa kanto ng Malvar nang mabundol ng bus.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktma na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng bus sa Caloocan City prosecutor’s office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply