Traffic enforcer ng Manila ipakakalat sa Undas

SALUDO ang Lily’s Files sa ating mga traffic enforcer na bagama’t kakarampot ang kinikita ay buong husay pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin umulan man o  umaraw.

Ngayong papalapit na naman ang Undas ay halos puro traffic en-forcer ang makikita mo sa mga   kalsada patungong sementeryo lalo na ang mga traffic enforcer ng Manila kung saan ito ang nakasasakop sa pinaka malaking sementeryo sa bansa, ang Manila North Cemetery.

Katulad ng dati, hindi magkamayaw ang mga bata nitong si  Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) Chief Nancy Villanueva sa pagsasayos ng trapiko lalo na sa mga kalyeng malapit sa Manila North at Manila South Cementery.

Kung mayroon mang dapat bigyan ng commendation itong si Manila Mayor Alfredo Lim, sa palagay ko ay itong mga traffic enforcer na,  dahil sila lang ang nakikita nating nagtatrabaho, umulan man o umaraw .

Isipin na lang natin na ang mga traffic enforcer sa Maynila ang may pinakamababang allowance na tinatanggap buwan-buwan kung ikukumpara natin sa ibang traffic enforcer sa Meto Manila ngunit sila itong masisipag.

Ang ibang mga traffic enforcer ay may mga benefit na makukuha sakaling may mangyari sa kanila sa pagtatrapik pero ang mga traffic enforcer sa Maynila ay wala, maliban na lang siguro kung magbibigay  ng pampalubag loob ang Manila City Hall.

Sa pag-iikot ko sa Maynila ay masasabi kung ilan sa masisipag na traffic enforcer na aking  nakikita ay iyung mga naka-assign sa may Mendiola, sa may kahabaan ng España, Sta. Mesa, Sta. Ana at sa may Ramon Magsaysay Blvd. patungong Nagtahan.

Noong kasagsagan ng  malakas na ulan na naging sanhi ng paglubog halos ng Metro Manila ay awang-awa ako sa isang lalaki na nagtatrapik sa may Sta. Mesa at sa aking pagtatanong ay nakuha ko ang kanyang pangalan na si Ronald Allan Zabat, na sinasabing Sector Commander daw ng Sector 6.

‘Yung mga ganitong tao ang dapat na binibigyan ng parangal, hindi yung kung sino-sinong  nakunan lang ng litrato na katabi ang nahuling suspek ay bibigyan na ng commendation ng  Mayor.

Sana lahat ng  traffic enforcer hindi lang sa Maynila kundi maging sa ibang lugar din ay gayahin  dapat nila itong si Zabat na hindi yata marunong matakot sa ulan at araw.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suggestions at kumento,  mag text lang po sa  0915-5683000  at  0908-7230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply