Traffic re-routing ikinasa ng MDPTEU sa Undas

NAGLABAS ng traffic re-routing scheme ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit(MPDTEU)  kaugnay sa paggunita ng Undas .

Sa advisory mula Oktubre 31, hanggang Nobyembre 1, ng alas 6 ng umaga isasara sa motorista ang  kalsada ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue; Blumentritt mula  A.Bonifacio hanggang P. Guevarra; Dimasalang mula Cavite, hanggang Makiling pa Blumentritt; Retiro, mula Dimasalang pa Blumentritt extension; P.Guevarra, mula Cavite-Pampanga; Leonor Rivera, mula Cavite hanggang Aurora Boulevard.

Ang kalsada ng Craig, Simon, F.Huertas, Sulu, Oroqueta at Metrica ay magsisilbing parking areas naman ng mga magsisitungo sa Manila North Cemetery.

Inabisuhan naman ang mga pampublikong sasakyan na manggagaling sa Rizal Avenue/Blumentritt  na maaring dumaan sa Cavite pakanan sa L.Rivera o Isagani kanan sa Antipolo hanggang makarating sa destinasyon.

Habang ang mga PUJs naman na manggagaling sa Amoranto St. mula sa Quezon City ay maaring kumanan sa Calavite, kanan sa Bonifacio, hanggang sa makarating sa destinasyon.

Habang lahat ng sasakyan mula sa Espana ay maaring dumaan sa AH Lacson,Tayuman,Blumentritt  mula Cavite patungong Aurora Boulevard,patungo sa  Rizal Avenue o Jose Abad Santos.

Ang mga sasakyan naman na manggagaling sa Quiapo,Sta.Cruz,Tondo,Caloocan ay maaring dumaan  sa Jose Abad Santos o Rizal Avenue Ext.

Binigyan babala din ng MPD-TEU ang mga motorista na huwag magparada ng kanilang sasakyan sa     magkabilang panig ng kalsada ng Retiro,mula Blumentritt,hanggang LAon Laan,Dimasalang mula sa gate ng North cemetery hanggang Makiling,Dos CAstillas,Don Quijote at Maria Clara dahil idinkelara itong tow away zones.

Isinama rin sa tow away zones area ang Pampanga St.,Rizal Avenue,J A Santos, at Aurora .

Magtatalaga rin ng mga miyembrong MPD-TEU para mangasiwa sa re-routing na gagawin sa mga sasakyan hanggang sa mga itinakdang parking areas.

Samantala, maglalagay rin ng mga personnel ng MPD-MDTEU sa ruta ng P.Ocampo Ext.,hanggang sa gate ng South Cemetery para sa maayos na daloy ng trapiko.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply