Traffic rerouting scheme sa Undas inilabas ng Marikina

KASABAY ng paggunita sa Undas na inaasahang magiging sanhi ng pagdagsa ng mga tao sa lungsod, muling ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang traffic rerouting scheme sa ilang pangunahing kalsada sa lungsod, lalo na sa mga kalsadang patungo sa Loyola Memorial Park at iba pang himalayan sa lungsod.

Simula sa  ika-12 ng tanghali ng ika-31 ng Oktubre, ang City Transportation Management and Development Office (CTMDO) ay magpapatupad ng one-way scheme sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue na maaari lamang madaanan ng mga sasakyang mula sa Quezon City papasok ng lungsod.

Ang G. Puyat Street at J. Cruz ay gagawing one-way pa-hilaga (northbound) at pa-timog (southbound). Samantala, ang Lopez Jaena Street ay gagawing two-way lamang para sa mga pagkakataong kailangan ang kagyat na pagtugon (emergency situations), para sa mga sasakyan ng lokal na pamahalaan, at mga pamasadang tricycle na maghahatid ng mga mananakay patungo sa mga himlayan sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue.

Samantala, ang mga sasakayang papuntang Quezon City mula Marikina ay pinapayuhang dumaan na lamang sa Marcos Highway via Gil Fernando Avenue o Old J.P. Rizal Street. Ang nasabing one-way scheme ay matatapos sa ika-2 ng Nobyembre sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Ayon kay Mayor Del De Guzman, ang rerouting plan na ito ay labinlimang taon nang ginagamit ng lungsod at subok na itong epektibo.

“Inaasahan natin ang pakikiisa at suporta ng publiko sa nasabing traffic scheme upang maiwasan ang anumang abala o sakuna. Nawa ay maging mapayapa ang maging

pag-alaala natin sa lahat ng ating yumaong mahal sa buhay,” wika ni  Mayor Del De Guzman.

Pinapayuhan din ng Philippine National Police (PNP)-Marikina ang lahat na iwasan ang pagdadala sa sementeryo ng mga bagay na ipinagbabawal tulad ng alak; matutulis na bagay tulad ng kutsilyo; armas; baraha o iba pang bagay na ginagamit sa sugal; radyo at videoke/karaoke machine.

Simula nang ipasa ang Ordinansa Bilang 18, Serye ng 2012 (Ordinance Regulating the Use of Plastic Packaging/Bags on Wet Goods and Banning the Use of Plastic Packaging on Dry Goods), nililimitahan na ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng produktong plastik at ipinagbabawal na ang paggamit ng Styrofoam. Ipinahihintulot lamang ang paggamit ng plastik bilang primary packaging ng wet goods; samantalang ipinagbabawal ito bilang secondary packaging sa wet goods at sa mga tuyong produkto o dry goods.

Upang tumugon sa mga pangangailangan, ang lokal na pamahalaan ng Marikina ay magtatalaga ng ilang emergency assistance team sa Loyola Memorial Park at iba pang

sementeryo. Kabilang dito ang PNP-Marikina, Rescue 161, Office of Public Safety and Security, CTMDO, City Social  Welfare and Development Office, at City Health Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply