Transnational syndicates target ng cybercrime law

NILINAW ng Office of the Cybercrime na ang target ng kontrobersyal na cybercrime law o Cybercrime Prevention Act of 2012 na habulin ay ang transnational syndicates at hindi ang mga social media users.

Ayon kay Justice Undersecretary Geronimo Sy, hepe ng Office of the Cybercrime ng Department of Justice, na walang dapat ikatakot ang mga social media user na mag-post, mag-share o mag-like, dahil hindi ito ang pagtutuunan nila ng pansin, kundi ang malalaking transnational syndicates.

“Officially, hahabulin mo pa ba ‘yung mga ganyan? We don’t have enough time to go after the likers or those who tweet. E kung isang libo ‘yan? Or isang milyon ‘yung tweets. We will go after the really bad criminals. ‘Yun ang priority,”  paglilinaw ni Sy.

Naniniwala rin si Sy na mas mabigat ang ‘online libel’ kaysa traditional libel.

Binalaan naman ni Sy ang mga hacker na responsable sa pananabotahe ng mga government site na mayroong expert ang kanilang ahensya na kayang matunton o ma-track ang source.

Dagdag pa ni Sy, na mayroon silang ‘white hackers’ na bubusisi kung tama ang proseso ng paggamit ng internet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply