Transpormasyon ng BOC

GRADUALLY, unti-unting nababago ang bihis ng Bureau of  Customs.

Mula sa lugmok na imahe, ngayon ay dahan-dahang umaahon sa pagkalugmok.

Dahil kung noo’y madalang pa sa patak ng ulan ang nahuhuling gumagawa ng iligal, ang nangyayari ngayon sa waterfront ay kabaligtaran.

Mula sa paisa-isang nasasakoteng smuggled goods, sa pamunuan ni Comm. Ruffy Biazon, pakiwari natin walang puwang ang hot items.

Isa-isang nahuhulog sa kamay ng mga tauhan ni Biazon, hindi lang ang hot goods, kundi iba pang banned items tulad ng droga.

Bigas ang dating paboritong ipuslit sa bansa, pero  nahinto ito nang masakote ng alertong BOC agents ang P.5 billion smuggled rice sa Subic kamakailan.

Bunsod ng pagkakahuli ng nasabing mga bigas ay nakilala at nakasuhan din sa korte ang mga personalidad na nasa likod ng smuggle try.

Ilan pang produkto, tulad ng sibuyas ay hindi rin nakalusot sa mala-pusang mata at mala-police dog na pang-amoy ng mga tauhan ni Biazon.

Ang mga taong nagtangkang magpalusot ng mga ito ay kinasuhan ng BOC probers sa ilalim nina Col. Malon Almeda at Byron Carbonell.

Sa record ng BOC, siyam na drug courier ang nahuli at milyong halaga ng droga ang nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang mga drug mule na ito ay kinasuhan at nakakulong.

Sa ipinakikita ng kasalukuyang pamunuan ng BOC, walang dahilan para ang ahensiyang ito ay  ‘di maabot ang mithiing pagbabago.

Patuloy lamang nilang tatahakin ang ‘tuwid na daan’ na isinusulong ni Pangulong Aquino, darating ang araw na aani ng papuri ang BOC.

Kapag nagtuloy-tuloy ang magandang nakikita ng publiko sa kasalukuyang pamunuan sa Aduana, wala ring dahilan  para  ‘di mabura ang korapsyon.

At kapag wala nang korapsyon, wala ring dahilan para ‘di na maabot ng BOC ang palaging bagsak na collection ng buwis ng nasabing ahensiya.

Naniniwala rin tayo na sa ilalim ng pamamahala ni Comm. Biazon, ang Aduana ay siguradong magiging modelong ahensiya ng pamahalaan.

Sapantaha man itong masasabi ng iba, pero yan ang nababasa natin dahil sa ipinakikitang magagandang accomplishments ng Biazon administration.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply