Transport caravan ng PISTON, inisnab ng DOTC

WALANG ni isang opisyal ng Department of Transportation and Communication (DoTC) ang humarap sa militanteng grupo ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) matapos ang transport caravan upang iprotesta ang mataas na multa sa paglabag sa batas-trapiko.

Pasado alas 11:00 kahapon ng umaga nang dumating ang grupo sa harap ng tanggapan ng DOTC sa Mandaluyong ngunit mahigit isang oras siang naghintay pero  walang opisyal ng ahensiya ang humarap sa kanila.   .

Nauna ng inireklamo ni PISTON National President George San Mateo, na ilegal aniya  ang implementasyon ng Department Order 2008-39 na nagpapataw ng mataas na traffic penalties dahil ibinasura na ito ng Baguio Regional Trial Court (RTC).

Inilarawan pa ng grupo ang naturang implementasyon ng batas na “bigtime kotong” na mistula anilang ginagawang legal ang pangingikil ng mga enforcer sa kanilang mga kasamahan.

Hinikayat din ng PISTON ang kanilang mga kapwa-jeepney at FX drivers na huwag magbayad ng multa sakaling mahuli dahil sa paglabag sa kautusan ng DOTC.

Gayunpaman, sinabi ni DOTC Spokesperson Nicasio Conti na magkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng transport group at ni Undersecretary for Operations Rafael Santos.

Bukod sa Metro Manila, ikinasa rin ang transport caravan sa Baguio City, Biñan, Laguna; Legaspi City, Albay; Davao, General Santos City, Bacolod, Dumaguete, Roxas City at Iloilo City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply