Transport caravan ng PISTON, tumulak na

NAGSAMA-SAMA na ang mga jeepney, FX drivers upang isagawa ang transport caravan ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Elliptical Road ngayong umaga.

Bitbit ng mga driver ang kanilang banner upang kondenahin ang umano’y hindi pagkilala ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa desisyon ng Baguio Regional Trial Court (RTC) na nagbabasura sa pagpataw ng mataas na multa sa paglabag ng batas-trapiko, gayundin naman pinoprotesta rin ng mga ito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Magmumula ang transport caravan sa Quezon City Memorial Circle at tutulak papuntang East Avenue at tutuloy sa EDSA, sa Camp Crame hanggang sa Ortigas Avenue papuntang tanggapan ng DOTC.

Samantala, kasabay ng naturang transport caravan sa Kalakhang Maynila, sasabay din ang mga grupo sa Baguio City, Biñan, Laguna; Legaspi, Albay; Davao, General Santos City, Bacolod, Dumaguete, Roxas City at Iloilo City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply