Inspeksyon ng TRB, LTO at LTFRB para sa Undas nagsimula na

SINIMULAN na ng Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation Office  (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-iinspeksiyon bilang paghahanda sa Unda sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ang paghahanda ay kasunod ng long weekend kasabay ng paggunita sa Todos Los Santos.

Kabilang sa isinailalim sa inspeksyon ang Southern Tagalog  Arterial Road o Star  Tollway at Cavite Expressway.

Magsisimula ang long weekend sa Nobyembre 1 (Huwebes, All Saints Day) hanggang 4 (Linggo).

Ikinasa naman ng LTO at LTFRB ang kanilang mga programa upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas.

Mula pa noong Biyernes, nag-inspeksyon na ang LTO sa mga unit ng bus sa Araneta Central Bus Terminal maging sa Florida at Raymond Bus terminals sa Maynila.

Ayon kay LTO law enforcement division head Edgar Cabase, ininspeksiyon ng LTO ang road worthiness ng mga bus para matiyak na maayos ang piyesa, wiper, salamin, gulong at makina ng mga ito.

Para matiyak na ligtas ang pagmamaneho, susuriin din kung nasa tamang katinuan ang mga drayber at konduktor na unang nang isinalang sa drug test.

Samantala, nag-umpisa nang tumanggap ng aplikasyon ang LTFRB para sa special permit ng mga bus na bibiyahe sa mga probinsya upang matugunan ang pangangailangan ng mga dadagsang pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply