Tren ng PNR nabalahaw sa baha, 2 nasaktan

DALAWA ang nasaktan nang mabalahaw ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa binahang parte ng Sariaya town sa Quezon province kaninang madaling araw.

Sinabi ni PNR spokesman Paul de Quiros na naganap ang insidente dakong alas 4:30 ng madaling araw sa isang bisinidad ng Barangay Canda.

“May dalawang minor (na nasaktan), na-derail, pero walang problema ‘yan … Nilipat ang 120 passenger sa waiting train from Lucena para makapunta ng Manila,” pahayag ni De Quiros.

Kinukumpuni na aniya ng PNR engineers ang naging sira ng tren at sa rlies nito at tiniyak na maayos din ang lahat sa parehong araw.

Ayon sa hiwalay na ulat, nasira ang tatlong bagon ng tren.

Ayon sa ilan sa mga pasahero, natutulog sila nang makaramdam ng pag-uga kaya tumilapon sila sa pagkakahiga. Dinala naman ang may 20 pasahero sa pinakamalapit na ospital para suriin ang kanilang tinamong kapansanan.

Sa pagsisiyasat, sinabi ni De Quiros na may parte ng lupa ang lumambot sanhi ng pagbaha.

“May portion doon, nag-soften nang todo ang area kaya pagdaan ng train gumalaw nang todo ang riles,” pahayan nito.

Bilang precautionary measure aniya, ang PNR trains ay dapat na mabagal ang takbo kapag ang riles ay binaha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply