Tricycle driver pinababaril, patay

PATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang namamasada sa Caloocan City kaninang madaling araw, Oktubre 24.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Roger Mandia, 47, ng 2nd Avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:50 ng madaling araw, pumapasada ang biktima sa kanilang lugar nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply