Tricycle driver, pinatay sa harap ng misis

PATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na riding in tandem sa harap ng kanyang asawa sa General Santos, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jaime Pimentil,  59, ng Hermosa Village, Barangay City Heights, tinamaan ng maraming tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan alas-6:30 kagabi.

Ayon sa misis na si Ruth, papauwi na sila sa kanilang bahay sakay ng tricycle subalit pagdating sa Salvani Street, biglang dinikitan ng isang single na motorsiklo na sinakyan ng dalawang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Sinubukan pang dalhin sa General Santos City Hospital ang biktima subalit di na umabot pang buhay at idineklara itong patay ng mga doktor  dahil sa kanyang tama ng bala sa ulo.

Nagpapatuloy naman  ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo at dahilan sa pagpatay sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply