Trike driver kritikal, pasahero sugatan sa rider

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 65-anyos na tricycle driver habang sugatan naman ang pasahero nito nang barilin ng nakagitgitang nagmomotorsiklo sa Makati City, kagabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na si Ruben Niegos matapos tamaan ng bala ng kalibre .22 sa likurang bahagi ng katawan habang nahagip naman ng bala sa kamay ang kanyang pasaherong si Alfonso Ruivivar, nasa hustong gulang, tricycle driver na naki-angkas lamang sa ipinapasadang tricycle ng biktima.

Nadakip naman ng mga nagrespondeng tauhan ni Makati police chief Sr. Supt. Manule Lucban ang suspek na si Ronaldo Rico, 45, residente ng Jolo, Mandaluyong City makaraan ang maikling habulan.

Sa report na tinanggap ni Sr. Supt. Lucban, nagkagitgitan umano ang minamanehong scooter ng biktima at ang tricycle ni Niegos sa kanto ng Jupiter at Makati Avenue dakong alas-6:00 ng gabi matapos hindi umano pinagbigyan ng biktima na makasingit si Rico.

Nagalit umano ang suspek kaya’t bumaba ng scooter at binaril kaagad ang matanda. Tinangka namang agawin ni Ruivivar ang baril ng suspek subalit pumutok ito at tinamaan siya sa kamay.

Nakatawag pansin naman sa mga nagpapatrulyang pulis sa naturang lugar ang kaguluhan kaya’t nagawa nilang habulin ang suspek na mabilis sumakay sa kanyang scooter upang tumakas hanggang maaresto sa maikling habulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply