Trike driver tigok sa pamamaril sa Maynila

PATAY ang isang 41-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding in trio kaninang madaling araw sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Joel Cabahug, ng  A. Quirino Avenue, Pandacan, Maynila.

Sa report, nagtamo ng apat na tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan ang biktima nang ratratin ito ng mga suspek dakong 12:20 ng kaninang madaling araw sa may panulukan ng Block 9 extension at Blk 1 Dubai, Baseco Compound Port Area, Maynila.

Nauna rito, pinapasada umano ng biktima ang kanyang tricycle at nang sumapit sa madilim na bahagi ng lugar ay hinarang ito ng mga suspek.

Dalawa umano sa mag suspek ay nakasuot ng bonnet habang ay isa ay nakasuot ng kulay itim na jacket, jersey orange T-shirt at bull cap.

Pinababa umano ng mga suspek ang biktima at habang kinakausap bumunot ng baril ang mga suspek at saka paulit-ulit na pinaputukan ang biktima, bago sumakay sa tricycle ng biktima papunta sa direksiyon ng aplaya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply