Trike driver tigok sa tarak ng kabaro

PATAY ang isang 49 anyos lalaki matapos itong pagsasaksakin ng kapwa nito driver dahil sa away trapiko kagabi sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima na si Rogel Medalla, tricycle driver at naninirahan sa 451 Area-A, gate 5 Parola, Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na si Elmer Genito, 22, binata ng 902 Pier 2, North Harbor ng lungsod.

Ayon kay PO2 Crispino Ocampo, imbestigador ng Manila Police District, naganap ang insidente sa Pier 2 malapit sa Parola Health Center.

Nabatid na hindi umano nagkabigayan ng daan ang dalawa habang lulan ng kani-kanilang mga sasakyan hanggang sa nagtalo at mauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang naisugod sa malapit na ospital ang biktima ngunit namatay din ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply