Trike sinuwag ng karo ng patay; 2 dedo, 2 sugatan

DALAWA ang patay habang dalawa pa ang nasugatan nang suwagin ng karo ng patay ang isang traysikel sa Isabela, Lunes ng madaling araw (Oktubre 22).

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital sanhi ng tinamong pinasala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Reynaldo San Buenaventura ng Alluiguigan II, Iligan City at Mario Longan ng Benito Soliven, Isabela, kapwa pasahero ng traysikel na minamaneho ni Filomeno Prado ng Benito Soliven, Isabela.

Ligtas na si Prado at maging ang nagmamaneho ng Mitsubishi L-300 van na pag-aari ng St. Peter Memorial Homes na si Orlando
Gumayen, pero kapag nakalabas na ng ospital ay isasailalim ang dalawa sa masusing interogasyon para malaman kung sino sa kanila ang dapat managot sa aksidente.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling araw sa national highway ng Gamu at Roxas, sa Isabela.

Bago ito, mabilis na binabaybay ng karo ng patay ang nasabing national highway para kunin ang isang bangkay sa kabilang barangay.

Sa bilis ng takdo, hindi napansin ni Gumayen ang biglang pagtawid ng traysikel ni Prado kaya nasalpok ito na ikinamatay nina San Buenaventura at Longan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply