Trillanes nagpapakatotoo

KAHANGA-HANGA ang pagpapakatotoong ipinakikita ni Trillanes ngayon mula pa nang hilingin nito ang pagbibitiw sa pwesto ni Enrile bilang kasalukuyang Senate President.

Kung susuriin, wala namang iba pa sa Senado ang nanindigan na sabihin ang gusto nitong sabihin kay Enrile na walang takot na ginawa ni Trillanes.

Malamang, pinangangalagaan ng ilan sa mga opisyal natin sa Senado ang kanilang pagkandidato sa susunod na eleksyon bilang mala-pader na politiko ngayon, may posibildad nga namang hindi maganda ang maging resulta sa kanilang kandidatura ang paglaban sa liderato ni Enrile.

Ngunit sa kabila nito, hindi natinag si Trillanes na ilabas ang nais nito.

Kahit pa makaaapekto ito sa kanyang muling laban bilang senador ay walang awat itong nagpahayag ng kawalang tiwala kay Enrile.

Ayon sa batang senador, si Enrile ay instrumento  ni GMA sa pagsuporta nito sa isang bill na maghahati sa Camarines Sur kung saan Congressman ang anak nitong si Diosdado “Dato” Arroyo.

Hindi nga naman maganda na ang pinuno ng Senado ay may kinikilingan at may palakasan-factor pagdating sa kung ano nga ba ang mga bill na dapat maunang talakayin.

Napakaswerte naman talaga ni Manong Johnny na halos sa ilalim ng lahat ng administrasyon mula pa kay Marcos ay lagi itong nabibiyayaan ng magandang puwesto sa pamahalaan at nahahalal pa bilang opisyal ng gobyerno.

Walang weather-weather sa kanya dahil lahat ng administrasyon ay kaya nitong laruin.

Matatandaan kamakailan na naging parte ng kanilang iringan ni Trillanes ang pagkakabunyag ng isang sensitibong negosasyon na hindi na dapat nalalaman pa ng madla.

Ayon kay Enrile, walang kinalaman sa national security ang kanyang mga ibinunyag.

Sa teknikal na usapin siguro, ay hindi nga, pero ang samaan ng loob ng dalawang opisyal buhat ng kanyang ibinunyag na alam naman nating kapag nangyari ay maaaring magkaroon ng epekto sa paggawa ng tungkulin ng mga nito ay hindi ba parte ng national security?

Bilang Senate President, sana ay interes ng Pilipinas ang pinangangalagaan nito at hindi ang pansarili niya lamang.

Sa kasalukuyan, aktibo si Manong Johnny ngayon sa kampanya ng kanyang anak na kandidato sa pagka-senador habang posibleng mangampanya rin ito laban naman kay Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply