TRO ng SC vs Cybercrime Prevention Act, igagalang ng Malakanyang

TANGGAP ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) kontra sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, palagi naman nilang ginagalang ang legal process na ipinalabas ng Supreme Court kung saan ngayon ay kanilang sisipating mabuti ang “specifics” ng naturang TRO.

“I have received information also, initial information that the TRO is directed to some particular provisions. We’d also like to take a look at that first,” ani Valte.

Aniya, dito ibabatay ng pamahalaan kung ipaglalaban at paninindigan o tuluyang sususpendihin ang pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) na sinimulan na kahapon.

“Again, it would be enlightening to look at the text of the document containing the TRO and kung ano ‘yung mga particular provisions na tini-TRO ng Korte Suprema. A TRO is a provisional remedy. It is not in any way construed as a judgment on the merits,” ani Usec. Valte.

Nauna nang binigyang diin ng Malakanyang na kailangan ang naturang batas para makasuhan ang mga sangkot sa identity theft, online forgery, fraud at pornography.

Wala namang ideya si Usec. Valte kung iho-hold din ang pormulasyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng Cybercrime Prevention Act.

“We will have to ask because it depends on coverage of the TRO itself. If the TRO will say that, in the meantime that the TRO is enforced, if kasama ‘yung IRR—‘yung formulation,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Pag-aaralan naman ng Malakanyang ang posibilidad o ang puntong maaaring tuluyang ipatigil ng Korte Suprema ang buong batas na makaka-apekto sa kampanya ng pamahalaan na labanan ang tinatawag na internet-related crimes.

“Again, without touching on the full content of the TRO that has been issued, there are several crimes there that have been made punishable by Republic Act 10175 ‘yung sa cyber pornography, child pornography, etcetera; cyber squatting, identity theft, and we’ll have to see how that factors in doon sa in-issue na TRO nila,” ani Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply