TRO sa cybercrime law, ikinatuwa ng Obispo

IKINASIYA ng isang Catholic bishop ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) para pansamantalang pigilin ang implementasyon ng kontrobersiyal na anti-cyber crime law.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bago tuluyang ipatupad ay dapat munang pag-aralan ng gobyerno ang mga probisyon ng naturang bagong batas, na sinasabing maraming butas kaya dinagsa ng reklamo sa Kataas-taasang hukuman.

Kailangan rin aniyang malaman ang katotohanan sa likod ng naturang batas para hindi nito maabuso ang kalayaan at tiyaking nirerespeto nito ang dignidad at karapatan ng isang tao.

Pinuri rin ni Medroso ang Supreme Court dahil sa pagpupursigi nitong marepaso muna ang Cybercrime Law bago ang implementasyon nito.

“It’s very, very proper for the Supreme Court to release that TRO. Kailangan yun para matingnan naman talaga ang objectivity ng batas na ginagawa, so they can review it,” pahayag pa ng Obispo, sa panayam sa radyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply