TRO sa Cybercrime Law, pinaboran

PINABORAN ng ilang kongresista ang pag-iisyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Supreme Court sa implementasyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Aurora Rep. Sonny Angara na magandang pagkakataon ang pag-iisyu ng TRO upang mabigyan ng panahon ang hukuman na pag-aralan ang mga argument na ipinasa ng mga petitioner ng batas.

Sa ganitong paraan ayon kay Angara ay mapagdedebatehan ng maigi ng mga mahistrado ang Cybercrime Law.

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na dapat maging malinaw kung ang inisyung TRO ay para sa buong batas o sa mga probisyon lamang na tinututulan.

Bukod pa dito, dapat na ring magtakda para sa oral arguments ng Cybercrime Law upang madesisyunan na kung kailangan pa ba ang pag-amyenda o tuluyang ma-ibabasura na ang batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply