TRO vs Cybercrime Law, igagalang ng DOJ

IGAGALANG ng Department of Justice (DoJ) ang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima na susundin nila ang ipinalabas na pagbabawal sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Kasabay nito, sinabi ng kalihim na ihaharap nila sa Kataas-taasang Hukuman ang mga argumento na lumabas sa isinagawa nilang forum sa Malate, Maynila.

Sa kabila nito, sinabi ni De Lima na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang advocacy para sa ligtas na cyberspace at paghahabol sa mga organized crime.

Kaugnay nito, tanggap rin ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na magpalabas ng TRO kontra sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, palagi naman umanong ginagalang nila ang legal process na ipinalabas ng Supreme Court at ngayon ay kanilang susuriing mabuti ang “specifics” ng naturang TRO.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply